CEBU – TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) sa pamilya ng pinatay na dating Mayor ng Medellin na makakamit ang hustisya.
Ito’y matapos walang habas na pagbabarilin si Ricardo Martinez ng mga armadong suspek sa loob pa mismo ng ospital kung saan ito naka-hospital arrest.
Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, patuloy ang imbestigasyon ng Police Regional Office 7 sa ilaim ni Police Brigadier General Debold Sinas at inaalam na ang mga suspek sa likod ng pamamaslang.
Nabatid kasi na walang CCTV ang ospital at nakabonet ang 15 mga suspek kaya hirap itong matukoy ng mga pulis.
Samantala, sa kabila naman ng pamamril sa loob ng ospital, tiniyak ni Banac na kontrolado pa rin ang sitwasyon ng peace and order sa Cebu.
Sinabi rin ng PNP, nananatili silang nakaalerto para maiwasan ang katulad na pangyayari. EUNICE C.
Comments are closed.