PNP INALERTO SA PEKENG VACCINATION CARDS

DAHIL dumarami na ang mga taong may hawak ng vaccination ID or vaccination card, inalerto ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guil­lermo Eleazar ang mga pulis na maging alerto at mapanuri sa mga indibiduwal na posib­leng magsamantala sa pinaluwag na interzo­nal travel para sa mga nakakumpleto na ng bakuna.

Ang kautusan ay kasunod ng pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na maaari nang ipakita ang vaccination cards ng mga nais bumiyahe bilang alternatibo sa COVID-19 test results.

“We will coordinate and work closely with the LGUs in enforcing this latest guideline. I am directing all police offices and units to be vigilant against those travelers who might use fake documents to prove that they are fully-vaccinated,” ani Eleazar.

“Kung ang resulta ng RT-PCR test ay pinepeke, hindi mala­yong may masasamang loob na gumamit din ng pekeng vaccination documents. Hindi natin ito dapat hayaang mangyari,”dagdag pa nito.

Paalala rin si Eleazar sa mga biyahero na laging obserbahan ang minimum public health safety standards at huwag maging kampante.

“Doblehin pa din natin ang pag-iingat sa COVID-19. Ang pagi­ging fully-vaccinated ay hindi pa din lubusang garantiya na hinding-hindi na tayo puwedeng magkaroon ng COVID-19,” anang PNP Chief.

“Kailangan pa din ng mahigpit na pagsunod sa ating minimum public health safety stan­dards gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay,” giit nito.

Nakasaad sa pinakahuling resolusyon ng IATF na maituturing nang bakunado ang isang indibidwal kung nakatanggap na ito ng dalawang dose ng bakuna. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “PNP INALERTO SA PEKENG VACCINATION CARDS”

  1. 920176 540658Hello! Ive been reading your internet web site for a while now and lastly got the courage to go ahead and give you a shout out from Kingwood Texas! Just wanted to say keep up the excellent function! 836569

  2. 760205 453869Typically the New york Weight Loss diet is surely less expensive and flexible staying on your diet scheme intended for measures even so quick then duty maintain a nutritious everyday life. weight loss 223579

Comments are closed.