MATAPOS na irekomenda ng binuong 5 man probe panel ang tuluyang pagsibak at pagsasampa ng kaukulang kaso sa dalawang police general at police colonel, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila palulusutin ang mga junior officer na sangkot din sa iligal na droga.
Ito ay kasunod rekomendasyon ng 5-man advisory group na tuluyan ng alisin sa serbisyo at kasuhan ang 2 heneral at 2 koronel na idinadawit sa illegal drug trade, ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr.
Pagtiyak ni Acorda, hindi limitado sa 3rd level officers ang kanilang imbestigasyon at ginagawang paglilinis sa kanilang organisasyon.
Babala pa ng heneral, oras na may napatunayang may lower-level din na pulis na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga ay kanila itong papanagutin sa batas.
Sa ngayon tapos na ang advisory group sa paglilinis sa mga 3rd level official ng PNP kung saan agad itong susundan ng internal cleansing sa hanay naman ng mga junior officers’ ng Pambansang Pulisya.
Kamakalawa , inihayag ni dating PNP at ngayon ay Retired Gen. Rodolfo Azurin Jr. na inirekomenda ng 5-Man Advisory Group (5MAG) sa National Police Commission (NAPOLCOM) na tanggapin ang courtesy resignation o alisin sa serbisyo ang dalawang heneral at dalawang colonel na nakitaan ng kaugnayan ng sa droga.
“We recommended it and hopefully Chief PNP Acorda will sustain our efforts on this. It’s now with NAPOLCOM on how they will deal without recommendations,” ayon kay Azurin.
Si Azurin ay miyembro ng 5MAG na sumala sa 953 courtesy resignations ng mga 3rd level officers habang 917 ang denied o hindi tinanggap ang pagbibitiw.
Tatlumpu’t anim naman ang “for further investigation” ng Napolcom.
“I am giving the assurance that all those personnel who are involved in this fiasco will be properly charged, appropriately charged administratively and criminally at pipilitin natin na sila ay matatanggal sa serbisyo,” ayon kay Acorda.
“Well in the investigation of the SITG (Special Investigation Task Group) and maybe in the fact-finding na ginagawa ng NAPOLCOM and pag-iisahin namin ito, definitely may makakasuhan dito sa mas mababang level,” dagdag pa ni Acorda.
VERLIN RUIZ