CAMP CRAME – LABIMPITONG bagong personnel ang kailangan ng Philippine National Police (PNP) para ngayong taon.
Binigyan ng “go signal” ng National Police Commission at Department of Budget and Management ang PNP para punan ang mga bakanteng posisyon sa ilalim ng kanilang Recruitment Program para sa taong 2020.
Ang mga vacancies ay binubuo ng may 10,000 annual regular recruitment quota at 7,000 additional quota para palitan ang mga nag retiro, namatay, sinibak, idineklarang mga AWOL, at iba pang separated personnel.
“We want the largest pool of applicants that we can muster from which to select only the best and most qualified candidates that will be recruited into the police service,” pahayag ni PNP Officer-in-Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa.
Nilinaw pa ng opisyal ang mga successful candidate na itatalaga bilang mga Police Patrolman ay may gross monthly salary na P29,668.00 bukod pa sa mandated allowances at benefits.
Pinayuhan naman ni PNP Director for Personnel and Records Management, Police Major General Lyndon Cubos ang lahat ng mga aplikante na ihanda ang kanilang clearances, certifications at iba pang documentary requirements para mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang mga applications oras na pasimulan na ang pangangalap ng mga bagong pulis nitong mga susunod na linggo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.