PNP KAILANGAN NG 6,501 BAGONG TAUHAN

SA pagpapatuloy ng recruitment ng Philippine National Police (PNP), inaprubahan na ng National Police Commission (Napolcom) ang pagrecruit ng 6,501 bagong pulis.

Ang pangangailangan ng karagdagang bagong pulis ay alinsunod sa quota sa ilalim ng PNP 2023 Recruitment Program.

Sa hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kailangan nito ng 2,101 na bagong pulis, 600 naman sa Provincial Regional Office 3(PRO3) at 400 sa Region 4A.

Para sa mga nais mag-apply na maging pulis, ilan sa mga requirement para dito ay ang pagkakaroon ng college degree at eligibility gaya ng PNP Entrance Examination (NAPOLCOM); Career Service Professional (Civil Service Commission); R.A. No. 1080 (Bar and Board Examination) R.A. No. 6506 (Licensed Criminologist); P.D. 907 (Civil Service Eligibility to College Honor Graduate); Police Officer Exam (Civil Service Commission);Eligibility to College Honor Graduate).

Dapat ay hindi bababa sa taas na 1.57 meters para sa mga lalaki at 1.52 meters para sa mga babae.

Hindi rin dapat bababa sa 21-anyos at hindi lalampas sa 30-anyos at mayroong good moral character.
EUNICE CELARIO