PNP KAPOS SA ACCOMPLISHMENTS NOONG 2018

PNP

CAMP CRAME – Aminado ang Philippine National Police (PNP) na mababa ang kanilang naging performance sa nakalipas na taon.

Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA), hindi nakuha ng PNP ang kanilang target na accomplishments para sa taong 2018.

Sa ulat ng COA, nakapag aresto lamang ang PNP ng 19.37 percent ng mga most wanted person sa target na 51.57 percent.

Habang sa loob ng 30 araw, 34.70 percent lamang sa 60 percent target ng PNP ang  kanilang naarestong indibidwal na may oustanding warrants.

Sa crime investigation naman ay 464, 661 na kaso ang kanilang naresolba sa target na 544,301.

Sa kabila ng mababang performance ng PNP dumoble pa ang suweldo ng mga pulis na epektibo noong nakalipas na taon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac, ilan sa mga dahilan ng mababa nilang performance ay dahil sa naging paghahanda at pagbabantay nila sa ginawang 2019  midterm election at ang sobrang pagkakatutok nila sa war on drugs ng pamahalaan.

Pero alam niyang hindi ito sapat na dahilan para makalimutan ang kanilang anti-criminality campaign.

Sinabi ni Banac na ang report na COA ay bata­yan nila para mas lalo pang ma-improve ang kanilang trabaho, administrative at operational function man ng PNP. REA SARMIENTO

Comments are closed.