CAMP CRAME – NAGLULUKSA ngayon ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagkondena sa pagpaslang sa opisyal ng Internal Affairs Service (PNP-IAS) noong Huwebes sa Molave Street sa Cebu City.
Tiniyak naman ni PNP Officer-in-Charge, Lt. Gen. Archie Francisco F Gamboa na makakamit ni Lt. Col. Joie Yape Jr. ang hustisya.
Si Yape ay naka-assign sa PNP-IAS sa Camp Rafael T. Crame bilang Intelligence Officer.
“I extend the sincerest condolences of the PNP office corps and rank-and-file to the orphaned family and colleagues of Police Colonel Yape even as we assure them that the ends of justice will be served,” ayon kay Gamboa.
Inatasan na rin ni Gamboa ang Criminal Investigation and Detection Group sa ilalim ni Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel ang mahigpit na koordinasyon sa Special Investigation Task Group (SITG) sa Police Regional Office 7 na nangunguna sa investigative efforts sa iba’it ibang yunit ng pulisya.
Pauwi na si Yape habang binabaybay ang Molave Street kasama ang kanyang misis nang pagbabarilin ito ng hindi nakikilalang riding-in-tandem suspect dakong alas-5:35 ng hapon sa Barangay Kamputhaw.
Pahayag ni Central Visayas PNP Director, Police Brigadier General Val De Leon na nasawi si Yape bago pa man ito makarating sa ospital dahil sa tama ng punglo sa ulo.
Si Yape ay dating hepe ng Cebu Provincial Intelligence Branch at dating na-assign sa Calbayog City Intelligence Unit.
“Although there are many possibilities on what could be the motive behind the ambush, but we do not want to theorize or make hasty conclusions, rather we will look at all these possibilities and narrow down the investigation based on evidence,” dagdag pa ni Gamboa. EUNICE C.
Comments are closed.