PNP KOKONEK SA CHED

PNP-CHED

TAGUIG CITY- NAKAISIP ng paraan si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief, Dir. Guillermo Eleazar upang mapigilan ang umano’y recruitment ng tinaguriang Red October Group sa mga estudyante ng kolehiyo at unibersidad sa Fili­pinas.

Ayon sa isang panayam, sinabi ni Elea­zar, sa pahintulot ni PNP Chief, DG Oscar Albayalde, makikipag-ugnayan ang liderato ng PNP sa Commission on Higher Educations (CHED) kaugnay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ­ilang mga unibersidad ang target para sa recruitment ng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni Eleazar na gusto niyang malaman kung ano ang puwedeng maitulong ng PNP sa nasabing isyu.

Bagaman aminado ang opisyal na hindi na bago ang nasabing gawain ng Communist Party of the Philippines ay makikipag-ugnayan rin sila sa AFP para mapigil ang nasabing recruitment activities.

Positibo naman ang pulisya na hindi kinukunsinte ng mga uni­bersidad ang gawain ng mga NPA.

Nilinaw rin ng pinuno ng NCRPO na hindi sila basta sasalakay sa mga pinangalanang unibersidad para mag-imbestiga dahil iginagalang din nila ang karapatan ng mga mag-aaral sa freedom of expression.

Gayunman, ibang usapan na aniya kung gagamitin ang mga mag-aaral na pagpapabagsak ng isang pamahalaan.

Una nang sinabi ni Albayalde na hindi rin nila titiktikan ang mga paaralan.     EUNICE C.