POSITIBO si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Francisco Gamboa na maipapanalo ng bansa ang laban kontra sa COVID-19.
“Together we will win this war,” ito ang binigyang diin ni Gamboa sa pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Police Service na may temang “Towards A Pandemic-Resilient PNP: Deploying Digital Technologies and Adopting Protective Protocols in The New Normal” na akma para mailarawan ang inisyatibo at hakbang na ginagawa ng PNP upang epektibong makatugon sa tinatawag na new normal.
“Combating COVID 19 is everybody’s business, I, therefore, enjoin you all to implement strictly in your respective areas of responsibilities the health protocols that were implemented to prevent further COVID 19 casualties from our end,” diin pa ni Gamboa.
Sinabi pa nito, sa ilalim ng new normal ay nagsagawa ang PNP ng pag-aaral kaugnay sa “adaption to the new normal” na kung saan ay bumuo ang mga ito ng general guidelines na siyang magiging set up ng mga pulis.
Kasabay ng pagdiriwang, binigyan din ni Gamboa ng parangal ang mga pulis at units na malaki ang naiambag sa paglaban sa COVID-19.
Kabilang sa special individual awardees sa paglaban sa COVID-19 ay sina Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, Deputy Chief PNP for Administration – Commander of the Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) at Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, Deputy Chief PNP for Operations – Task Force Commander of the Joint Task Force COVID Shield.
Gayundin sina Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, Chief Directorial Staff – Deputy Commander of the Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) at Maj. Gen. Emmanuel Luis Licup, Director for Operations – Deputy Commander of the Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF);
Kinilala rin si Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Regional Director, PRO3 at Col. Allan Rae Co, City Director, Baguio City Police Office dahil sa kanilang mga programa at proyekto na epektibong napigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.
Habang tumanggap naman ng Special unit award for COVID-19 pandemic ang PNP Health Service dahil sa kanilang pagsisikap na pangalagaan ang kalusugan ng mga pulis at komunidad; at ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanilang pangunguna sa contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. EUNICE C.
Comments are closed.