PNP KUMAMBIYO SA PAG-BAN NG MGA DRIVER NG APORs

BIGLANG kumambiyo ang pamunuan ng Phi­lippine National Police hinggil sa pagbabawal sa paghahatid at pagsundo sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Sa inilabas na pahayag ni PNP Chief General Guillermo Eleazar kahapon ng umaga, pinapayagan na ang mga APOR na manggagawa na magpahatid-sundo sa kanilang mga pribadong sasakyan oras na ipatupad na ang enhanced community quarantine sa Kalakhang Maynila.

“The rule on ‘hatid-sundo’ and its strict implementation did not just appear out of thin air, or a whimsical decision of our policy-makers. It was based on scenario-building when the quarantine rules are being crafted and was also corroborated by our police frontliners on the ground who experienced using this as an alibi to disregard and delibe­rately violate the rules on home quarantine and unnecessary cross-border travels,”paglilinaw ni Eleazar.

Kaugnay nito, kinakailangan na ngayon na magpakita ng karagdagang mga dokumento ang mga non-APOR na drayber.

Gayundin, pakiusap ni Eleazar sa mga negos­yante at employer na magbigay na lang ng nasabing katibayan sa mga manggagawa dahil mas malaking abala pa kung pakukunin ng driver’s pass ang mga non-APOR driver.

Samantala, muling iginiit ni Eleazar na ang isang tao na itinalagang lumabas para bumili ng essential goods ay hindi pinapayagang lumabas ng kanilang lungsod at sakop ng kanilang curfew hours.
VERLIN RUIZ

91 thoughts on “PNP KUMAMBIYO SA PAG-BAN NG MGA DRIVER NG APORs”

  1. 104223 723045Hello! Ive been following your blog for a even though now and finally got the courage to go ahead and give you a shout out from Kingwood Texas! Just wanted to mention maintain up the great work! 544334

  2. Oh my goodness! Incredible article dude! Thank
    you, However I am encountering troubles with your RSS.

    I don’t know why I cannot join it. Is there anyone else having identical RSS problems?
    Anyone who knows the answer can you kindly respond?
    Thanx!!

Comments are closed.