CAMP CRAME- MAGDARAGDAG ng maraming mobile checkpoint ang Philippine National Police (PNP) bukod sa pagpapaigting ng beat patrols sa mga lugar na isinailalim sa General Community Quarantine (GCQ).
Layunin nito na matiyak na susunod pa rin ang taumbayan sa itnakdang alintuntunin para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Ang hakbang ay iniatas ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa sa joint Task Force COVID Shield na pinamunuan naman ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar.
Sinabi ng heneral na inaasahan na nila ang pagkakaroon ng mga bottleneck at traffic jam sa mga checkpoint areas dahil sa pagdagsa ng mga Authorized Persons Outside Residence (APOR)na inaasahang lolobo dahil sa pagpapa-iral ng GCQ
Para sa mg public utility vehicles na hahayaan bumiyahe sa mga GCQ areas, susuriin ng pulisya kung nasusunod ang rule of physical distancing at pagsusuot ng face masks sa lahat ng oras.”
Ipinag-utos ni Gamboa na mas maraming pulis ang itatalaga sa mga lugar na inilagay sa GCQ inaasahang dadagsain ng tao na magtitipon tipon sa ilalim ng GCQ gaya ng business districts saan pinayagan na ang ilang establishments na magtinda, at mag operate na halos owed to operate, markets and other public places. VERLIN RUIZ
Comments are closed.