DAHIL sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases,nagpasya ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng mas mahigit na protocols sa mga Public Utility Vehicles (PUV) sa Metro Manila sa gitna na rin ng ulat na maraming lumalabag sa pinaiiral na minimum public health standards (MPHS) sa mga pampasaherong buses at jeepneys.
Kasunod ng babala sa operators at drivers, naglabas ng direktiba si PNP Chief Police General Guillermo Eleazar sa PNP-Highway Patrol Group (HPG) at iba pang ahensiya sa istrikong pagbabantay at pangangasiwa sa border control points.
Inatasan ni Eleazar ang mga pulis, traffic enforcers na nagmamantina ng trapiko at nagbabantay sa mga control points na manghuli at mag-isyu ng traffic violation tickets sa mga pasaway na operator at driver ng PUVs lalo na sa National Capital Region at karatig lalawigan ng Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite.
Sa memorandum na inisyu sa Director ng HPG at Regional Directors ng NCRPO, PRO3 at PRO4A, Directorate for Operations na pinamumunuan ni Maj. Gen. Alfredo Corpus, inutos sa PNP personnel na mag-isyu ng Temporary Operators Permit (TOPs), Official Violator’s Receipt (OVR) at Traffic Citation Tickets sa mga lalabag.
“This pertains to the reports received by the Directorate (for Operations), which disclosed unabated incidents of overloading, violations of minimum public health standards, and violations of allowed passenger capacity as prescribed by the IATF (Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases) and DoTr’s guidelines committed by public utility buses and jeepneys, particularly in NCR Plus areas,”nakapaloob sa memorandum.
“We will be very strict in the implementation of this as part of our efforts to contain the spread of the coronavirus. Kaya pinapaalalahanan natin ang mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan na umayos kayo kung ayaw ninyong mahuli,”giit ni Eleazar.
Aniya, pagkakalooban ng TOPs, OVRs at TCTs ang mga nagbabantay at nangangasiwa ng QCPs sa Metro Manila at apat na karating na lalawigan dahil trabaho naman nila na manita ng mga dumaraan na PUVs kung sumusunod sa alituntunin hinggil sa itinakdang capacity at minimum public health standards.
“So we are appealing to the drivers to ensure that their passengers are complying with these rules dahil kayo ang magdudusa kapag nahuli kayo. Kayo ang boss ng mga bus at jeepney na minamaneho ninyo kaya obligasyon ninyo na tiyakin na sumusunod sa mga patakaran ang inyong mga pasahero,” diin ng PNP chief.
Samantala, nasa 9,101 quarantine violators ang nahuli ng PNP sa unang araw ng implementasyon ng MECQ sa Metro Manila.
Batay sa datos ng PNP JTF Covid Shield hanggang Agosto 21, ang mga nahuli dahil sa paglabag sa MPHS ay nasa 5,997 ang binalaan, 2,848 ang pinagmulta o tinekitan at 256 ang pinagawan ng community service.
Mahigit naman sa 149,000 na mga residente sa Metro Manila ang naitalang lumabag umano sa iba’t ibang patakaran nang ipatupad ang enhanced community quarantine nitong Agosto 2 hanggang 20.
Kabilang dito, ang nasa 100,000 na nahuli dahil sa paglabag sa health standards, gaya ng hindi pagsuot ng face mask at face shield, at hindi pagsunod sa mga patakaran ukol sa social distancing at mass gathering.
Meron namang 40,000 na curfew violators, at higit 8,000 naman ang nagsabing Authorized Person Outside Residence o APOR sila pero walang maipakitang ID o kahit anong patunay.
Dagdag ni Eleazar, tinatayang 10,000 violators ang nahuli kada araw sa loob ng dalawang linggong ECQ.
Nasa 98,000 ang pinagsabihan, 43,000 ang pinagbayad ng multa, at higit 7,000 ang pinag-community service.
Sa buong bansa, higit 690,000 ang nahuling umano’y violators sa loob ng dalawang linggo.
Ngayong naka-modified enhanced community quarantine o MECQ and Metro Manila, sinabi ni Eleazar na tuloy pa rin ang pagbabantay nila sa mga kalsada at pampublikong lugar. VERLIN RUIZ
97446 257378Wow you hit it on the dot we shall submit to Plurk in addition to Squidoo nicely done انواع محركات الطائرات | هندسة نت was wonderful 474825
442514 519533very good put up, i undoubtedly love this web website, maintain on it 335022
512877 874374I genuinely prize your work , Great post. 908013