CAMP CRAME – HIHINGI ng paumanhin ang Philippine National Police (PNP) sa apat na unang itinurong persons of interest sa pambobomba sa Jolo Cathedral.
Ayon kay PNP chief DGen. Oscar Albayalde, walang masama kung humingi ng paumanhin ang PNP sa apat.
Nakausap na aniya niya ang Provincial Director sa Sulu na si S/Supt. Pablo Labra II na humingi ng dispensa sa apat.
Ganoon pa man depensa ni Albayalde na hindi sila ang nagturo sa apat bilang mga Persons of Interest na kasama si alyas “Kamah”.
Ang apat na kinabibilangan ng tatlong estudyante at isang guro ay itinurong Persons of interest matapos makita ang CCTV footage malapit sa Our Lady of Mt Carmel Cathedral noong araw ng pagsabog.
Sinabi ni Albayalde ang malinaw ngayon ay hindi sila napagkamalang hinuli ng mga pulis sa isang operation kundi itinuro lamang na mga testigo matapos makita ang CCTV footage.
Nanindigan din si PNP Chief na hindi back to zero ang imbestigasyon sa pambobomba noong linggo sa Jolo Cathedral.
Ito ay nang maabsuwelto ang apat na indibiduwal na nakuhanan sa CCTV.
Gayunman, patuloy ang pagtugis sa principal suspek na si alyas Kamah na siyang logistis officer ng bandidong ASG na may kaugnayan sa Ajang Ajang group.
Una nang inamin ng AFP at PNP na hindi kasama si alyas “Kamah” sa mga nakunan ng CCTV footage. EUNICE C.
Comments are closed.