MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga foreign counter part para matukoy ang tunay na lokasyon ni dismissed mayor Alice Guo.
Una nang kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na nakalabas na ng bansa si ang sinuspindeng alkalde ng Bamban, Tarlac.
Batay sa foreign counterparts ng PNP at sa immigration record sa labas ng bansa, July 18 nang dumating si Guo sa Kuala Lumpur, Malaysia mula sa Denpasar, iIndonesia sakay ng Batik Air 177; July 21 nang dumating ito sa Singapore mula sa KL, Malaysia sakay ng Jetstar Asia 686 at
August 18, bumalik sa Batham, Indonesia mula sa Singapore sakay ng isang ferry boat.
Kasabay nito, tiniyak ng PNP na nila isinasantabi ang posibilidad na dumaan sa backdoor si Guo palabas ng bansa kasunod na rin n ng pahayag ng Bureau of Immigration na walang record sa kanilang centralized data ang paglabas ng kontrobersyal na alkalde.
“It appears based doon sa mga initial natin naririnig na there is a possibility na umalis si Mayor Guo through illegal channel, meaning thru backdoor,” ayon kay PNP Public Information Chief. PCol. Jean Fajardo.
Habang tiniyak din ni Fajardo na makikipag-ugnayan sila sa counterpart sa mga nabanggit na bansa.
“’Yung nakikita natin na information, nasa Singapore, nasa Malaysia, so, meron naman tayo doon na mga police attache sa Malaysia ‘yung ating police attache doon na may coordinate doon sa ating foreign counterparts sa Malaysia to confirm nga whether there is truth to the reports na lumapag nga ng Malaysia si Mayor Guo and eventually nagpunta ng Singapore,” ayon kay Fajardo.
Samantala, nagbabala naman ang PNP sa mga naging daan o kasabwat ni Guo sa pagpuslit nito dahll tiyak na pananagutin.
“Definitely meron pong liability in terms of criminal and administrative kung meron man mapapatunayan na may tumulong sa kanya because the mere existence ng ILBO (Immigration Lookout Bulletin Board) alam natin na existing yan, dapat ay nainform or natimbrehan ‘yung mga concerned agencies sa atin na lumabas ng bansa ang sabi nga natin ongoing yung hearing, may dismissal order na siya sa Ombudsman,” dadag pa ni Fajardo.
EUNICE CELARIO