PNP MAS MAHIGPIT NGAYONG HOLIDAY SEASON

PNP-5

CAMP CRAME – UPANG matiyak ang kaligtasan mas hihigpitan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ipatutupad na seguridad ngayong holidays.

Kasunod na rin ito ng magkakasunod na insidente ng pagsabog sa Cotabato at Maguinda­nao noong Disyembre 22.

Ayon kay PNP officer in charge (OIC) Lt. General Archie Gamboa, patuloy ang mahigpit na pagmo-monitor ng pulisya sa sitwasyon at seguridad ng mga lugar na isinailalim sa full alert status.

Kaugnay nito, tiniyak ni Gamboa sa publiko na tuloy-tuloy rin nilang gagampanan ang kanilang tungkuling magbigay proteksiyon ngayong Kapaskuhan.

Dagdag ni Gamboa, gagawin din nilang lahat ang paraan para maaresto ang nasa likod ng magkakasunod na pagsabog sa Cotabato at Maguindanao.

Gayundin, ang mapigilan ang mga posib­leng kahalintulad na pagatakeng mangyari sa mga susunod na araw.

Una nang nagtaas sa full alert status ang PNP simula noong Disyembre 15. JAYMARK DAGALA/DWIZ882AM

Comments are closed.