CAVITE – MAYROONG bagong 138 tinyente ang Philippine National Police (PNP) makaraang pagkaloo-ban ng confirmation of appointment ng Department of the Interior and Local Government ang 201 na mga bagong graduates na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) SANSIKLAB class 2019 kahapon.
Bago ito pinanumpa muna ni Police Lt. Gen. Archie Gamboa, deputy director general for Operations, ang mga bagong opisyal ng Philippine National Police.
Ang SANSIKLAB Class 2019 ay binubuo ng 201 graduates, kung saan 138 dito ay magsisilbi sa PNP, 41 naman ay mapu-punta sa Bureau of Fire Protection (BFP) habang ang 22 ay sa BJMP o Bureau of Jail Management and Penology.
Mismong si Interior Secretary Eduardo Año ang nagbasa ng confirmation of appointment ng mga nag-sipagtapos na isang per-manent position.
Pinangunahan naman ng anak ng isang driver na nagtapos sa Unibersidad de Manila o City College of Manila “ na si Jervin Al-len Ramos ang PNPA 2019.
Sa kaniyang talumpati, nagpasalamat ang SANSIKLAB 2019 Class Valedictorian na si Police Lt. Jervin Al-len Musni Ramos sa Diyos, sa kaniyang mga magulang, guro at kamag-aral gayundin kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ibinigay nitong inspirasyon sa kanila.
Si Ramos ay tubong Tondo ay nag-top sa Criminology sa UDM at top 3 sa nagdaang board exam for criminology kung saan 28 libo ang nag-exam at mahigit 12 libo lamang ang nakapasa.
Aminado si Ramos na malaking hamon sa kanila ang kaliwa’t kanang batikos at kritisismong ibinabato sa kanilang hanay, itinu-turing naman nila itong pagsubok na susukat naman sa kanilang katatagan at katapatan.
Hinamon ni Ramos ang kaniyang mga kapuwa nagsipagtapos na manatiling tapat sa kanilang si-numpaang tungkulin para sa bayan at iwasan hangga’t maaari ang mga tuksong dumarating sa kanilang tinatahak na daan.
Matapos ang seremonya at parada, sinaksihan ng mga dumalo sa nasabing pagtatapos ang 1 Line Tra-ditional Farewell Hand-shake ng mga bagong Police Inspector sa PNPA Cadet Corps. mula sa Admin-istration Building hanggang sa stage kung nasaan ang Cadet Corps.
Ayon kay PNPA Director, CSupt. Jose Chiquito Malayo, ang Top Ten cadets/cadettes na ginawaran ng Plaque of Merits ay sina Merriefin Longcob Carisusa ng Meddelin, Cebu; Mary Grace Mag-usara Pabi-lario- San Enrique, Negros Occidental; Ferdinand Mark Haguiling Lagchana ng Mayoyao, Ifugao; Chira Ley Capule ng M’Lang, North Cotabato; Mary Ann Delos Santos ng Alcala, Cagayan Valley; Anna May Mangabo ng San Jose Occidental Mindoro; Mary Ann Balbuena Delos Santos mula Alcala, Cagayan; Salavador Formanes Pidlaoan mula Calasiao, Pangasinan; Jake Sawey ng Ifugao at Darwin Sernio ng Paco, Manila. VERLIN RUIZ
Comments are closed.