SAMAR- MAYROON nang initial findings ang Regional Special Investigation Task Group (SITG) “Aquino” sa naganap na engkuwentro na ikinasawi ni Calbayog City Mayor Rolando Aquino at lima pa noong Lunes ng hapon sa nasabing lalawigan.
Ayon kay PNP Spokesperson PBgen. Ildebrandi Usana, ang inisyal na impormasyong hawak ng SITG ay nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng grupo ni Aquino na nakasakay sa isang van, at ang grupo ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na nagsasagawa ng red teaming Inspection sa lugar ng insidente.
Nasawi sa insidente si Aquino, ang kanyang driver at close in Police Security habang sugatan ang sibilyang kasama nito.
Samantalang sa kabilang panig ay namatay naman ang dalawang pulis at isa ang sugatan.
Una umanong pinaputukan ng close in security ni Aquino ang sasakyan ng PDEU/IMEG na bumabaybay sa kalsada sa kaparehong direksyon ng van ng alkalde.
Beberipikahin pa ng SITG ang pahayag ng mga tauhan ng PDEU/IMEG na hindi target ng kanilang operasyon si Aquino Gayundin hindi pa batid kung sino ang nagpaputok sa kanila mula sa naturang van.
Base umano sa salaysay ng ilang mga saksi , napatay si Mayor Aquino kasama ang dalawang bodyguard nito at driver matapos tambangan ng hindi nakilalang suspek na mga naka suot umano ng bonnet sa Laboyao Bridge, Brgy Lonoy, sa Calbayog City, Samar.
Ayon sa ulat, sakay ng sports utility vehicle ang mayor at kagagaling lamang maglaro ng tennis at papunta sa birthday ng anak na lalaki nang sundan ng isang van.
Pagdating sa tulay, agad na pinaputukan ang sasakyan ng mayor. VERLIN RUIZ
Excellent post. I was checking constantly this blog and I’m
impressed! Extremely helpful information specially the last part :
) I care for such info a lot. I was seeking this particular information for a long time.
Thank you and best of luck.