PNP MAY MGA BAGONG SASAKYAN

SA huling flag raising ceremony ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar sa Camp Crame ay pinalakas pa ang kanilang land mobility fleet, matapos madagdagan ito ng mga bagong biling sasakyan.

Pinangunahan ni Eleazar ang pagpapasinaya ng P800 milyong halaga ng mga bagong sasakyan ng PNP, nitong Lunes.

Ang 240 bagong sasakyan ay binili gamit ang pondong nakalaan para sa Capability Enhancement Program 2021 ng PNP.

Ayon kay PNP acting Director for Logistics, Brig. Gen. Ronaldo Olay, ang mga utility trucks ay ipapamahagi sa limang Area Police Offices sa North Luzon, Southern Luzon, Visayas, Eastern Mindanao at Western Mindanao.

Sa kasalukuyan ang PNP ay nagmamantine ng fleet of 20,000 ground mobile assets na nagrirepresenta sa 53% sa required 37,000 units para suportahan ang mga police operations sa buong bansa.
EUNICE CELARIO