CAMP CRAME -HANDA na ang Philippine National Police Medical Corps na pangasiwaan ang COVID 19 Quarantine Area sa The Forum Tent sa PICC.
Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa ang hakbang nilang ito ay bahagi ng kanilang commitment para makatulong sa kampanya kontra COVID-19.
Aniya, noong Sabado ay nagsagawa na ng Walk Thru Inspection ang mga tauhan ng PNP Health Service.
Sila ang mag-aasikaso sa mga COVID 19 patient na ipadadala sa nasabing Quarantine Area sa tulong ng DOH.
Ang The Forum Tent sa PICC ay kayang mag-accomodate ng 294 na COVID 19 Patients.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac hinihintay na lang nila ang abiso mula sa Department of Health (DOH) kung kailan ang deployment ng mga doktor at iba pang Medical Staff ng PNP Health Service sa PICC Quarantine Area.
Magugunitang noong isang linggo ay siniyasat din ni Lt. Gen. Camiko Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration ang pasilidad ng PICC.
Si Cascolan ang itinalaga ni Gamboa bilang commander ng bagong tatag na Admin Support to COVID-19 Operations Task Force (ASTF)na mangangasiwa naman sa limang task groups na kinabibilangan ng personnel support, logistical support, health management and medical re-serve force, financial support at contact tracing. REA SARMIENTO
Comments are closed.