TINIYAK ni bagong Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, Deputy Chief for Operations na mas pinalakas nito ang hanay ng PNP Medical Reserved Force para tumugon sa pangangailangan laban sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Binag, nakabuo na sila ng mahigit 1,000 pulis na may kaalaman sa health care at kumikilos na rin ang mga ito habang patuloy ang paghahanap pa ng mga pulis na may medicine related course upang tulungan ang health workers.
Gayundin, upang tiyakin ang kalusugan ng PNP personnel laban sa coronavirus, nagtayo rin ng health unit sa bawat istasyon ng pulisya.
Nauna rito, mayroon ng nakuhang 400 pulis na medtech in profession ang nakatalaga iba’t ibang quarantine facilities na minamando ng PNP bukod pa sa mga naka-assign sa Station Health Unit.
Ang mga hakbang na ito ay bilang pagtugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong ang PNP sa health workers nang humiling timeout. EUNICE C
Comments are closed.