MISAMIS OCCIDENTAL – HANDA ang pulisya sa lalawigang ito sakaling magdesisyon ang city jail na sa kanilang lugar ikulong ang nadakip na si resigned Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.
Ayon kay PNP Regional Spokesperson Supt. Surki Sereñas, bubuo ng special team ang kanilang hanay sakaling ilipat sa kanila ang kustodiya ni Parojinog.
Magugunitang may direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghahanap sa dating konsehal na kapatid ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na sangkot umano sa ilegal drug operations sa Mindanao.
Noong nakaraang taon nang mapatay sa anti-illegal drug operations ng awtoridad ang alkalde, kapatid nitong si Octavio Parojinog at 14 na iba pa. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.