ISANG pulis na may diabetes ang panibagong biktima ng COVID-19), ayon sa Philippine National Police-Health Service.
Sa pagkasawi ng 47-anyos na police corporal mula Bangsamoro Autonomous Region ay sumampa na sa 58 ang fatalities sa police force as of 6PM May 6.
Bago bumaba si outgoing PNP Chief Gen. Debold Sinas ay nagpahatid ito ng pakikidalamhati sa mga naulila ni Patient No.58.
Nagbilin din si Sinas sa mga pulis na may comorbidities na dobleng ingat dahil peligroso sila sa COVID-19.
“To our police officers with a comorbidity, always check your health and double your protection, if you feel any symptoms, immediately seek the advice of a medical practitioner. To protect others, start taking care of your self first,” bilin ni Sinas.
Sa record, Mayo 3 nang isugod sa ospital si Patient No. 58 dahil sa matinding ubo at batay sa RT-PCR Test positibo sa COVID-19 at Mayo 5 nang bawian ng buhay.
Samantala, naitala ang bagong 87 kaso sa PNP kaya pumalo na sa 20,936 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng naturang sakit.
Gayunpaman, may nakarekober na 136 kaya ang kabuuang gumaling ay 19,365 na.
Habang ang kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang pasilidad ay nasa 1,540 na lamang na pinakamababa simula Marso 2021. EUNICE CELARIO
376327 397315We will have a hyperlink alternate agreement among us! 549959
14712 301894Thank you for your style connected with motive though this details is certain spot a new damper within the sale with tinfoil hats. 99134
281293 492401Oh my goodness! an incredible article dude. Thank you Nonetheless Im experiencing challenge with ur rss . Don know why Unable to subscribe to it. Is there anyone obtaining similar rss drawback? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 765751
306072 150413Merely a smiling visitor here to share the adore (:, btw outstanding design . “Audacity, a lot more audacity and always audacity.” by Georges Jacques Danton. 897060