PNP NAG-ALOK NG SERBISYO SA BAGONG PILIPINAS KICKOFF RALLY

BUKOD sa pagtataguyod ng seguridad sa isinagawang Kick-Off Rally ng Bagong Pilipinas, nag-alok din ng iba pang serbisyo-publiko ang Philippine National Police (PNP) sa nasa 400,000 na dumalo sa nasabing event.

Ayon sa PNP-Public Information Office, nasa 3,587 pulis ang kanilang idineploy at kasabay niyon ang inilatag na Serbisyo Fair.

Kabilang sa serbiyo na inialok sa mga early bird na dumalo sa BP Kick-Off ay issuance ng Licenses to Own and Possess Firearms (LTOFP) at National Police Clearance, Neuro Exam, Drug Test at Gun Safety Seminar.

Binati nama ni PNP Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. ang mga pulis na nangasiwa sa seguridad.
Una nang tinaya na generally peaceful ang okasyon kahit pa mayroong mga binigyan ng medical attention makaraang mahilo dahil sa rami ng mga dumalo.
EUNICE CELARIO