PNP NAGHATID NG TULONG SA 2 PINASLANG NA PULIS

TARLAC- PERSONAL na pinuntahan at nakiramay sa dalawang pulis na pinatay ng riding in tandem sa Mabalacat City sina Deputy Chief PNP for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia at PRO3 Regional Director BGen Cesar R Pasiwen nito Linggo sa bayan ng Victoria sa lalawigang ito.

Nag-abot din ng financial assistance ang mga heneral sa pamilya nina Ssg Dominador Gagusan Jr. at SMs Sofronio Capitle Jr.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa dalawa pang suspek na sangkot sa kaso ng pamamaslang sa dalawang operatiba ng SDEU.

Naunang nang nadakip ang tatlong suspek kabilang ang isang babae. THONY ARCENAL