CAGAYAN DE ORO – NAGDADALAMHATI ang Philippine National Police (PNP) sa pagpaslang sa miyembro ng Highway Patrol Trooper na tumanggi sa suhol ng dalawang kaniyang inaresto kamakailan.
Namatay si SPO1 Sergs de Constantine Maceren makaraang barilin sa dibdib ng kanyang sinitang driver gamit ang M4 assault carbine sa Masterson Avenue sa Upper Carmen noong Miyerkoles ng hapon, dalawang araw makaraang kaniyang arestuhin ang dalawang violators na nagtangkang manuhol sa kanya.
Si Maceren, kasama sina SPO2 Lyndie Baltazar at PO1 Joel Laurente ng Special Operations Team of Regional Highway Patrol Unit-10, nang kanilang parahin ang isang kotse na mayroong improvised plates na ULI-448.
Binaril ng hindi nakilalang lalaki sina Maceren at Baltazar habang papalapit ang mga ito sa driver na kinalaunan ay nakilalang si Abdulrahim Batawi Adilao ng Mabalacat, Pampanga.
Tinamaan din ng bala si Adilao nang tumugon ng putok ang mga pulis at namatay rin habang si Baltazar ay ginagamot sa isang ospital.
Dalawang araw bago ang nasabing encounter, isinampa ni Maceren ang criminal charges for violation of Article 212 ng The Revised Penal Code for Corruption of Public Official laban sa isang Gary Sabrido Ranalan ng Brgy. Lumbia, CDO at Franklin Jhon Cabural Ramos ng Brgy. Kauswagan, CDO.
Sina Ranalan at Ramos ay nag-alok umano ng suhol kay Maceren para sa release ng kanilang mga sasakyan na naka-impound dahil sa delinquent registration and unauthorized plate.
Sinabi naman ni PNP-HPG Director, Chief Supt. Roberto Fajardo, na isang malalim na imbestigasyon ang kanilang isinasagawa upang ma-verify ang background ni Adilao o may kinalaman ito sa dalawang violators na unang inaresto ni Maceren.
Aniya, isinumite na ang armas ni Adilao at sasakyan sa Crime Laboratory para sa forensic examination. EUNICE C.
Comments are closed.