NAGPAALALA ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa istriktong pagpapatupad ng curfew sa buong bansa ano man ang umiiral na community quarantine.
Ayon kay PNP deputy chief for operations at Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, mahalaga na mapanatili ang pagpapairal ng curfew sa buong bansa upang malimitahan ang paggalaw ng mga tao na siyang pinakasanhi ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani Eleazar, pinaikli ang curfew ng mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga na karamihang ipinatutupad ng mga local government unit (LGU) maging sa Metro Manila.
Nakipag-ugnayan na rin ang mga local police commander sa kanilang LGU para matiyak na mahigpit na maipatutupad ang curfew sa kanilang area of responsibility.
Binigyang diin ni Eleazar na authorized person outside of residence (APOR) lamang ang pinahihintulutan sa labas sa curfew hours kung ang kanilang pakay ay may kinalaman sa trabaho. DWIZ882
Comments are closed.