NORTHERN MINDANAO- NAGTALAGA ang Philippine National Police ng bagong pinuno para sa kanilang PNP- Police Regional Office (PRO) 10.
Opisyal nang nanunungkulan ngayon si BGen. Ricardo Layug Jr., bilang acting Regional Director ng PNP-PRO 10 na miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapaglunsad” Class of 1993.
Si Bgen Layug ay hinirang ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda kapalit ni BGen. Lawrence Coop.
Kasunod ito ng ginanap na turnover of command ceremony na pinangunahan ni PNP-Area Police Command-Eastern Mindanao commander Lt Gen. Filmore Escobal sa Camp Alagar sa Lapasan, Cagayan de Oro City.
Pinasalamatan ni Layug ang pamunuan ng PNP sa ibinigay na tiwala sa kanya para pamunuan ng PRO 10 kasabay ng kanyang pahayag na magiging tungtungan nito ang mga magandang nagawa ni Coop kasunod ng pagtiyak na lalo pa niyang paghuhusayin ang kakayahan ng PRO 10 sa pagsugpo ng kriminalidad , pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan at matapat na paglilingkod sa mamamayan.
Bago maitalaga sa puwesto, si Layug ay nagsilbi bilang director ng PNP Engineering Service at hepe ng PNP Aviation Security Unit sa National Capital Region (NCR). VERLIN RUIZ