CAMP CRAME – AABOT sa 8,000 areas of concern o mas kilala sa tawag na election hot spots ang tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde, ang mga natukoy na lugar ay initial list lamang ng PNP.
Aniya, maaari pa itong madagdagan sa mga susunod na mga araw.
Sa ngayon, may mga assessment nang ginagawa ang PNP sa mga lugar na may mga naitalang insidente na may kaugnayan sa politika.
Maigting din ang monitoring ng PNP, ang nasa 77 na mga private armed groups (PAGs) na nag-ooperate sa bansa kung saan karamihan dito ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Kasama ring tinututukan ng PNP ay ang mga gun for hire syndicates dahil sila ang posibleng gamitin para sa mga insidente ng patayan.
Sa kabilang dako, ipinag-utos na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano sa PNP na ngayon pa lamang ay may mga adjustment ng ipatutupad sa kanilang personnel at mag-deploy na rin ng mga tropa sa mga lugar na tinukoy na mga hot spots areas. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.