KASABAY ng pakikibahagi sa Duterte Legacy Caravan o pagpapakilala samga pamana ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay puri ng Philippine National Police (PNP) sa mga manggagawa.
Ipinagdiwang ng PNP ang dalawang selebrasyon sa Edsa- Monument kasama ang iba pang government agencies at volunteers mula sa Global Coalition of Advocacy Support Groups and Force Multipliers nilang government’s nationwide program na tinawag na “Duterte Legacy Caravan” na sabay-sabay isinagawa sa bansa habang ang main program ay kahapon sa EDSA People Power Monument, Edsa sa Quezon City kasabay ang Labor Day Celebration.
Pinangunahan ni PNP Chief Gen Dionardo Carlos ang momentous event na may temang: “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran”.
Nagsimula ang selebrasyon ala-5 ng umaga sa pamamagitan ng Fun Walk-Run-Bike for Peace, Unity and SAFE NLE 2022 mula sa iba’t ibang drop off points at on signal converged sa Edsa Monument.
“Ang buong Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay nagbibigay pugay sa lahat ng mga dakila at minamahal nating manggagawang Pilipino. Bilang Ama ng Pambansang Pulisya, kami rin ay lubos na nagpapasalamat sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga makabuluhang adhikain at platapormang pang-kapayapaan, pang-ekonomiya, pang-medikal, at pang-lipunan para sa kapakanan at kabutihan ng bawat mamamayang Pilipino. This tireless pursuit of attaining a strongly rooted, comfortable and secure life for all Filipinos is well entrenched in the Updated Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022 geared towards the AmBisyon Natin 2040 which articulates the Filipino people’s collective vision of a “MATATAG, MAGINHAWA, AT PANATAG NA BUHAY PARA SA LAHAT”, bahagi Ng talumpati ni Carlos .
“And we assure our President, the Filipino people, and our beloved country that as part of the Duterte Legacy, we shall remain steadfast and committed in sustaining and enhancing his projects and programs in the campaign against illegal drugs, anti-criminality, violent extremism, lawlessness, terrorism, and Covid 19, among others. Makaka-asa rin ang ating mga kababayan na patuloy ang pagtulong ng PNP hindi lamang bilang mga tagabantay at tagapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad kundi bilang isang organisasyon na tumutulong sa ating mga maralitang kababayan at vulnerable sectors ng ating komunidad, sa anumang oras at panahon”, dagdag pa ni Carlos.
Kasama sa lumahok ang Department of the Interior and Local Government, Social Security System, Department of Trade and Industry, Department of Agrarian Reform, PhilHealth, National Disaster Risk Reduction and Management Council, Land Transportation Office, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Health at Department of Public Works and Highways.
Ang Duterte Legacy Caravan ay naglalayon na ipabatid sa publiko ang programa ng pamahalaan, polisiya, accomplishments, at pagsisikap para maihatid ang pagbabago sa buhay ng Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakita real-life stories ng mga nakinabang sa mga ginawa ng pamahalaan, polisiya at programa na may layuning ibigat ang serbisyo at hustisya sa tahanan Ng bawat Pilipino.
EUNICE CELARIO