NAKIISA ang mahigit 220,00 opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP)sa sa paggunita ng ika-159 araw ng kapanganakan ng pambansang bayani Gat Andres Bonifacio kahapon.
“Nagpupugay ang buong hanay ng kapulisan sa dakilang araw na ito ng ating pagsaludo at pagkilala sa kabayanihan ni Andres Bonifacio sa kanyang pamumuno ng himagsikan upang mapalaya ang Pilipinas sa paninikil ng mga dayuhang mananakop,” bahagi ng mensahe ng PNP.
Sa loob ng mga nagdaang taon, naging sagisag na ng pambansang orgulyo ang katapangan at kabayanihang ipinamalas ni Andres Bonifacio na nasusulat sa makulay na kasaysayan ng PIlipinas.
Sa kasalukuyang makabagong siglo, taglay ng bawat isang alagad ng batas ang mga dakilang layunin at prinsipyo ng kadakilaan ni Andres Bonifacio sa kasalukuyang pakikibaka ng PIlipinas laban sa krimen, terorismo, bawal na gamot at katiwalian sa lipunan. EUNICE CELARIO