(PNP nanindigang wala sa kanilang watchlist at hindi rin ‘naamoy’ ng intel) YANG NASA ‘DRUG MATRIX’ NI ACIERTO

CAMP CRAME – BAGAMAN inihayag ng Philippine National Police (PNP) na wala sa drug watchlist at wala sa radar ng intelligence  unit ng pulisya sina Presidential Economic Adviser Michael Yang at isang Allan Lim, lumalabas naman sa ipinadalang drug matrix ni dating PDEG Deputy Director For Administration Eduardo Acierto na kasama ang dalawa sa Johnson Chua Drug Syndicate.

Makikita sa drug matrix, isang taga-Bureau of Customs (BOC) ang close network nina Yang at Lim.

Si Yang umano ang nangu­nguna sa pagsi-shipment ng mga illegal drugs, kinokontak siya ng isang Johnson Co na mayroon namang big boss o financer sa pag-o-operate.

Si Allan Lim naman umano ang nagsisilbing operator.

Inilabas ni Acierto ang drug matrix dahil sa mga pahayag ng Malacañang na hindi sangkot sa ilegal na droga o anumang illegal activities si Ang.

Sinabi naman ni PNP Chief, Director General Oscar Alba­yalde na wala siyang natanggap na ganitong report o maging intel report mula kay dating PNP Chief Ro­nald dela Rosa, na ayon kay Acierto ay isinumite niya ang intel report ditto. REA SARMIENTO

Comments are closed.