PNP NIREGALUHAN NG US NG 6 BOMB DISPOSAL ROBOTS

ANIM na bomb disposal robot ang ipinagkaloob ng United States Anti-Terrorism Assistance sa Philippine National Police (PNP).

Ang ceremonial turnover ay pinangunahan mismo ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. na isinagawa sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Tinawag ang mga robot na Bomb Removal Automated Vehicle (BRAVE) kung saan dinevelop ang mga ito sa pakikipagtulungan ng De La Salle University students sa ilalim ni Dr. Elmer Dadios, Head Professor ng Robotics Engineering.

Sa talumpati ni Acorda, ang mga bomb disposal robot ay magandang ehemplo ng international cooperation sa paglaban sa terorismo at testamento ng commitment sa technological advancement sa larangan ng law enforcement.

Nagpasalamat din si Acorda sa USATA sa nasabing kagamitan na magpapalakas ng kapabilidad ng pulisya. EUNICE CELARIO