GINAWARAN ng Medalya ng Kagalingan ang ilang matataas na opisyal ng pulisya sa Kabikolan dahil sa matagumpay na kampanya nito laban sa pagsugpo ng krimen at pagkakumpiska ng iba’t-ibang uri ng baril sa isinagawang malawakang operasyon na Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operation(SACLEO) kamakailan dito.
Sa ulat ng Masbate Police Office,mismong si Deputy Chief PNP for Operations at Joint Task Force Covid Shield Commander Lt.Gen.Cezar Hawthorne Binag,at Director for Comptrollership Major Gen.Emmanuel Luis Licup ang nagbigay ng parangal at nagsabit ng medalya sa mga balikat ng mga opisyal na pinamumunuan nina Bicol Police Director BGen.Bartolome Bustamante,Deputy Regional Director for Operations Col.David Peredo,Regional Special Operation Officer Lt.Col.Nino Lope Masdo Briones,Masbate Police Provincial Director Col.Joriz Cantoria,Deputy Provincial Director for Administration Lt.Col.Jefferson Araojo,Deputy Provincial Director For Operations Lt.Col.Venerando Ramirez,Provincial Intelligence Bureau Chief Lt.Col.Paul Cabug,PCAD Chief Lt.Col.Leus Anselmo Prima,Cataingan Chief of Police Major.Rustom Dela Torre at iba pang kasapi ng pulisya.
Matatandaang nitong nakalipas na mga linggo ay umabot sa 113 na iba’t-ibang matataas ng kalibre ng armas ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa anim ng lalawigan sa Bicol sa loob lamang ng 24 oras matapos inilunsad ang SACLEO kung saan higit sa 70 na mga may-ari nito ang sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 O Illegal Possession of Firearms and Ammunitions bunsod sa walang kaukulang dokumentong ipinakita sa mga pulis nang ipatupad ang nabanggit na operasyon.
Nabatid pa na naging batayan din sa pagbigay ng parangal sa mga opisyal ang matagumpay na kampanya ng mga ito laban sa insurhensiya kung saan sumuko umano ang daan-daang kasapi ng rebeldeng New People’s Army(NPA) at mga supporter nito sa naturang rehiyon sa ilalim ng panunungkulan ni Gen.Bustamante.
Kaugnay nito,namigay naman si Lt.Gen.Binag ng ilang Gahlil Rifle,genset at mga appliances sa mga pulis upang magamit nito sa kanilang mga istasyon sa patuloy na trabaho nito bilang tagapagtaguyod ng katahimikan sa komunidad.
“Ang inyong mataas na sweldo at itong makabagong kagamitan na ibinibigay ng pamunuan ng PNP sa kapulisan ay patunay na patuloy na inaalam naming ang pangangailan ninyo sa mga lalawigan para naman mas lalo pa nating mapagtagumpayan ang trabaho laban sa kriminalidad,korapsyon at droga”ani Gen.Binag. NORMAN LAURIO
583116 260020Now we know who the ssebnile 1 is here. Wonderful post! 199011
655701 225741Can I just say what a relief to search out somebody who truly is aware of what theyre speaking about on the internet. You undoubtedly know how to deliver a issue to light and make it essential. Extra folks need to learn this and perceive this facet with the story. I cant consider youre no more common because you positively have the gift. 438008
Hi it’s me, I am also visiting this web page regularly, this web page is really
nice and the people are genuinely sharing
pleasant thoughts.