PNP OFFICIAL IKA-117 SA PUMANAW DAHIL SA COVID-19

ISANG police official na may ranggong lieutenant colonel ang nasawi dahil sa COVID-19.

Dahil dito, ayon kay PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ang komander ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force, sumampa na sa 117 ang namamatay sa COVID-19.

Batay sa record ng PNP Health Service,ang nasabing pulis ay naka-assign sa City Community Affairs Division Office sa Palawan City.

Lumalabas naman sa kanyang health record na mayroong hypertension at pneumonia ang 45-anyos na opisyal at nabakunahan na ng 1st dose ng COVID-19 vaccine.

Nasa 143 naman ang naitalang bagong kaso at 274 ang mga bagong gumaling.

Sa kabuuan, nasa 2,092 na ang mga aktibong kaso ng COVID 19 sa PNP.

Nagpaaabot naman ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ng nasawing Police Lieutenant Colonel.
EUNICE CELARIO

Comments are closed.