ILANG top officials ng Philippine National Police (PNP) ang sinampahan ng kasong paglabag sa Article 261 (i) ng Omnibus Election Code sa Commission on Election (Comelec) ng ACT Teachers Party-list Group dahil sa umano’y pangangampanya ng mga ito sa social media na huwag silang iboto sa midterm elections sa Mayo 13.
Personal na nagtungo kahapon sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila, ang mga kinatawan ng grupo sa pangunguna ni Rep. Antonio Tinio, para ihain ang kanilang reklamo laban sa mga opisyal ng PNP.
Nangunguna sa kinasuhan si PNP chief, P/Director General Oscar Albayalde at mga opsiyal na nasa PNP-Region 8.
Inirereklamo rin ng grupo sina P/Chief Supt. Dionardo Carlos, Director Police Region Office 8; P/Senior Supt. Nelson Eucogco,Provincial Director, Southern Leyte Provincial Office; P/Senior Supt. Dante Novicio, Provincial Director, Samar Provincial Office; P/Senior Supt. Reynaldo Dela Cruz, Provincial Director Northern Samar Police Provincial Office; P/Senior Supt. Jose Cesar Biso, City Director Ormoc City Police; P/Chief Insp. Miguelito Bocade, OIC, Isabel Municipal Police Station; at P/Chief Insp. Allan Novales, OIC, Bato Municipal Station.
Kasama rin sa mga kinasuhan sina P/Chief Insp. Joemen Collado, Acting Chief ng Palo Municipal Police Station; P/Senior Insp. Sherwin Amando Machete, Acting Chief , Southern Leyte Municipal Police Station; P/Insp. Oscar Leonido Cobacha, OIC, Ormoc City Police Station 3; P/Senior Insp. Bobby Bolo Montano, Chief Jiabong Municipal Police Station; P/Senior Insp. Romualdo Perez Doncillo, chief ng Talalora Muncipal Police Station; P/Chief Insp. Arnoldo Gomba Jr., OIC , Palapag Municipal Station; P/Senior Insp. Elias Ero, OIC, Rosario Municipal Police Station; at P/Chief Insp. Erwin Naelga, chief ng Catarman Municipal Police Station.
Sa pagsasampa ng kaso, ipinakita rin ni Tinio sa mga mamahayag ang Facebook post ng Anahawan Municipal Police Station 8 sa Southern Leyte na nanganganmpanya na huwag iboto ang kanilang grupo sa nalalapit na halalan.
Inakusahan ng grupo ang mga naturang PNP officials nang pagpapakalat sa kani-kanilang mga official na Facebook page ng paninira laban sa Party-list group.
Sinasabi umano ng mga nabanggit na opisyal ng pulisya na ang ACT Teachers Party-list group ay isang terorista at legal fronts ng Communist Party of the Philippines –New People’s Army (CPP-NPA). ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.