CAMP CRAME – PUNTIRYA ng Focused Police Operations ng Philippine National Police (PNP) ang Private Armed Groups, gun-for-hire syndicates, criminal gangs at loose firearms, sa pagsisimula ng local campaign sa Biyernes, Marso 29.
Ito ay dahil ang mga nabanggit ang kalimitang ginagamit ng mga politiko sa kanilang mga kalaban sa panahon ng halalan.
Aminado si PNP Chief, DG Oscar Albayalde na sa tuwing magsisimula ang local campaign, dito na rin nag-uumpisa ang mga naitatalang election related incidents na nagiging resulta sa intense political rivalry.
Siniguro ni PNP chief na kasado na ang kanilang seguridad lalo na ang mga grupong nagsisilbing mga banta sa seguridad.
Sa mga susunod na araw ipapatupad na ng PNP ang realignment ng mga pulis lalo na sa mga tinaguriang areas of grave concern o category red.
Mahigpit ding pinaalalahan ni PNP chief ang mga pulis sa kanilang 8-Point SidePlan ito ay ang mga sumusunod: Strict implementation of gun ban; Intensified focus law enforcement operations; Dismantling of private armed groups; Early preparation of security and contingency plans; Provide security to vulnerable candidates; Limited reshuffle of PNP personnel; Accounting of loose firearms at Neutralization of gun for hire and criminal gangs.
Nakatakda ring bumuo ang PNP ng Special Operations Task Group na binubuo ng mga police personnel na nakadeploy sa national headquarters sa Camp Crame.
Ang nasabing task group ay magsisilbing augmentation force na pamumunuan ng isang Police Brigadier General at sila ay ide-deploy sa mga critical areas sa May midterm election.
Nabatid na nasa 1,000 hotspots areas na ang tinukoy ng PNP kung saan 118 lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nasa category red.
Wala namang areas of grave concern sa Metro Manila.
Pinaaalalahan pa ni Albayalde ang lahat ng mga police personnel na manatiling “apolitical” para matiyak ang maayos, mapayapa, malinis at honest elections.EUNICE C.
Comments are closed.