PNP OUTPOST PINAPUTUKAN

MAGUINDANAO-HALOS dalawang araw bago ang Election gun ban, pinaputukan ang outpost ng Philippine National Police (PNP) ng hindi pa nakikilalang armadong grupo sa Barangay Buayan sa bayan ng Datu Piang, Biyernes ng gabi.

Dahil sa insidente ay sumiklag ang labanan hanggang mahuli ang isa sa mga suspek na si Fahad Paglas.
Posible umanong target ng pamamaril ang bahay ni Mayor Victor Samama, dahil malapit lang ang (Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT) outpost sa bahay nito.

Isa sa mga tinitingnang motibo ng krimen ay may kinalaman sa pulitika at nalalapit na eleksyon.

May mga ilang residente naman na lumikas dahil sa takot sa nangyaring tensyon.

Sabado ng umaga mahigpit ang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga border checkpoints.

Dahil magsisimula na ang gun ban, pinagbawalang makapasok ang mga may dalang armas na hindi pulis o sundalo.