PNP PASOK NA RIN SA ISYU NG WATER CRISIS

PNP BARIL

CAMP CRAME – HANDA ang Philippine National Police (PNP) na magbantay sa nangyayari ngayong pila balde sa ilang lugar sa Metro Manila matapos na mawalan ng tubig.

Nang nakalipas na Linggo pa nagsimulang  mawalan ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila, ito ay dahil na rin sa kakulangan ng supply ng tubig ayon sa Manila water resulta ng nararanasang init ng panahon.

Ayon kay PNP Spokesperson, Sr. Supt. Bernard Banac, handa silang mag-deploy ng mga pulis sa mga distribution point kung saan marami ang nakapila para makakuha ng tubig na ibinibigay ng mga trak ng bombero.

Payo pa ni Banac sa mga pumipila na maging mahinahon at huwag mainit ang ulo, dahila baka magkagulo.

Magiging katuwang ng PNP sa pagbabantay sa mga distibutions points ang mga barangay official, ito ay upang mapa-natili pa rin ang pagiging payapa kahit maraming naiinis dahil sa ilang araw nang walang tubig sa ilang lugar sa Metro Manila.        REA SARMIENTO

Comments are closed.