SA gitna ng mga trahedya sa karagatan, nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) na palakasin ang maritime security ng bansa.
Ito ang sentro ng pulong nina PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. at PCG Commandant Admiral Artemio Abu sa PCG headquarters sa Maynila.
Tinalakay ang pinalakas na intelligence-sharing, pagsasagawa ng Joint Maritime Patrol, pagtutulungan sa environmental safety at security gayundin ang pangangalaga sa yamang dagat ng dalawang ahensiya.
Nag-usap ang dalawang lider makaraan ang paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro na nagdulot ng malawak na trahedya ng oil spill.
Ngayon naman ang pinagkakaabalahan ng maritime law enforcement ang pagkasunog ng passenger vessel sa Basilan na ikinasawi ng 12 katao.
Ayon sa PNP Chief, inaasahan niyang muli na namang maipapamalas ang mahusay na pagtutulungan ng PNP at PCG sa darating na semana santa at summer vacation sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga manlalakbay. EUNICE CELARIO