INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang PNP Directorate for Operations na paganahin at i-alerto ang mga tourist police sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ).
Kasunod ito ng anunsiyo ng Department of Tourism (DOT) na bubuksan na ng mga tourist destination sa MGCQ areas.
Ayon kay Gamboa, kinakailangang mabantayan ng mga pulis ang tuloy- tuloy na pagpapatupad ng mga health protocol kahit pa pinapayagan na ang pamamasyal.
Aniya, papaigtingin ang pagpapagana ng Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection at Tourist Police Assistance Desks para mas maging epektibo ang health protocols ngayong nanatiling mataas ang banta ng COVID-19.
Bukod sa pagbabantay sa pagpapatupad ng health protocols, magbibigay rin ang tourist police ng dagdag security operations para sa mga turista at establisimiyento. REA SARMIENTO
Comments are closed.