PNP PINAGPAPAREHISTRO PARA SA 2022 ELECTIONS

BAGAMAN isang apolitical organization ang Philippine National Police (PNP) ay may karapatan naman ang mga pulis na bumoto ng kanilang napipisil na kandidato.

Dahil dito,hinimok ni PNP Chief Gen. Guil­lermo Eleazar ang lahat ng PNP personnel na hindi pa nakapagpa-register na magpa rehistro na.

Ani Eleazar, dapat na samantalahin ng mga pulis na hindi pa nakakapagparehistro ang alok na extention ng voter’s registration para sa May 2022 national and local elections.

“As Chief PNP, I am encouraging our personnel who have not yet registered to take advantage of this extension. I am ordering our units commanders to give your men the time to do so,”pahayag ni Elea­zar.

Paliwanag nito,ang right to suffrage ay dapat din i-exercised ng mga pulis dahil bahagi ito sa obligasyon ng mga Pilipino bilang mga responsible citizens.

Umapela rin si PNP chief sa publiko na magparehistro na at huwag ng hintayin ang last-minute registration na posibleng maging sanhi pa ng argumento o hindi pagkaka-intindihan.

“Samantalahin natin ang ibinigay na extension ng Comelec at huwag na naman nating hintayin na kung kelan patapos na ang buwan ng Oktub­re ay saka lamang tayo magpupumilit na magpa-rehistro dahil mauuwi na naman ito sa init ng ulo at pagtatalo.

Baguhin na natin ang nakagawiang last-minute registration,” dagdag pa ni Eleazar para maiwasan ang mga ultimo o ang humahabol sa pagpapare­histro.

Magugunitang dahil sa panawagan ng mga mambabatas at publiko, nagdesisyon ang poll body na i-extend ang vo­ter’s registration process mula Oktubre 11 hanggang 30.

Kaugnay nito, inihayag ni Eleazar na may security preparation din silang inilatag para sa eks­tensiyon ng voters registration.

“All chiefs of police and other unit commanders are expected to maintain the same level of alertness and for them to use the same security measures in Comelec offices and other registration sites,” dagdag pa ng PNP chief. VERLIN RUIZ

6 thoughts on “PNP PINAGPAPAREHISTRO PARA SA 2022 ELECTIONS”

Comments are closed.