PNP PINAIGTING PA ANG KAMPANYA VS TUPADA

LAGUNA-INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar ang mas malawakang crackdown laban sa tupada o iligal na sabong.

Ayon kay Eleazar, may direktiba na sya sa lahat ng mga police commander na bantayan ang kanilang area of responsibility upang mas maging maigting ang kampanya laban sa tupada.

Ito ay matapos ang pagkakaaresto ng 17 indibidwal kasama na ang barangay captain sa Calamba, Laguna dahil sa tupada na lumabag sa minimum public health safety protocols.

Ayon kay Eleazar, ang tupada rin ang dahilan nang pagkamatay ni Edwin Arnigo na napatay ng pulis sa Valenzuela kaya nakakalungkot na may nag-ooperate pa rin nito.

Sa kasalukuyan, nakikipag ugnayan na rin si Elea­zar kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año upang bigyan sila ng clearance na magsampa ng kaso sa mga opisyal ng barangay na may presensya ng tupada sa kanilang lugar.

Babala ni Eleazar sa lahat ng mga pulis na huwag masangkot at huwag maging protektor ng tupada o anumang sugal dahil may kalalagyan ang mga ito. REA SARMIENTO

30 thoughts on “PNP PINAIGTING PA ANG KAMPANYA VS TUPADA”

  1. 539538 910222You produced some decent points there. I looked on the internet for that issue and located most individuals goes along with along along with your internet website. 777038

Comments are closed.