PNP-QUEZON NAKIISA SA JOINT OUTREACH ACTIVITY

QUEZON-PINANGUNAHAN ni Provincial Director Col. Ledon Monte ng Quezon Police Provincial Office (PPO) ang matagumpay at aktibong pakikilahok ng mga kanyang mga tauhan sa isang Joint Community Outreach Activity- Person with Disability (PWD) and Senior Citizens sa Sinag Kalinga Foundation Inc, Brgy Ayutin, Lucban sa lalawigang ito.

Ang nasabing programa ay bahagi ng abot-serbisyong pag-uugnay sa pagdiriwang ng ika-28 Police Community Relations Month Celebration kung saan katuwang ang National Police Commission (NAPOLCOM) ay ipinaparating ng PNP ang serbisyong nagpapaalala sa kahandaang tumulong.

Kabilang si NAPOLCOM 4A Assistant Regional Director Atty. Glocyphine A. Chavez-España sa isinasagawang Joint Outreach Program na nilahukan nina Maj. Elizabeth Capistrano, Acting Chief PCADU at Maj. Arjon Oxina, Chief of Police ng Lucban kasama ang NAPOLCOM-Quezon Ronald Banzuela, personnel ng Regional Community Affairs and Development 4A at Staffs ng nasabing foundation.

Naging highlights ang pagbibigay ng mga tsinelas, food/grocery packs at health at hygiene necessities sa 45 PWDs at Senior Citizens na aktibong nakiisa sa nasabing programa. Nagkaroon din naman ng katangi-tanging pampasiglang awit mula sa isang Senior Citizen habang ginaganap ang aktibidad.

Nagpahiwatig din si Col. Monte na tuloy-tuloy ang aktibong pakikiisa ng Quezon Police sa mga programang abot-kamay na tulong hindi lamang sa pagsugpo ng krimen maaasahan .BONG RIVERA