PNP REGION 1 AAPELA VS DRUG CASE NI JULIAN ONGPIN

LA UNION-MAGHAHAIN ng motion for reconsideration ang Police Region Office 1 (PRO 1) sa Department of Justice (DOJ) upang habulin ang ibinasurang drug case ni Julian Ongpin.

Ito ang inihayag ni PLt. Col. Abubakar Mangelen, tagapagsalita ng PRO 1 sa programang ASPN nina Ali Sotto at Pat-P Daza ng Net25.

Sinabi ni Mangelen na dahil korte na ang nagdesisyon, aapela pa rin sila sa DOJ at handang ibigay ang

lahat ng ebidensiya upang mapursige ang kaso.

“Nais namin ipursige ang kaso na ito kaya makikipag-coordinate kami sa DOJ,”ayon kay Mangelen.

Ipinarating na rin ng PRO1 sa magulang ni Bree Jonson, ang nobya ni Julian na umano’y nagpakamatay, ang kanilang pakikiisa para malinawan ang kaso.

Batay sa desisyon ng La Union Regional Trial Court, kulang ang probable cause para arestuhin si Ongping at isa sa dahilan ay hindi agad namarkahan ng mga umarestong pulis ang 12.6 gramo ng cocaine na nakuha sa posesyon ni Ongping.

Nag-ugat ang pag-aresto kay Ongpin nang rumesponde ang tauhan ng PRO 1 sa hotel resort na inupahan ng binata at ng nobya nitong si Jonson noong September 18.

Natagpuan na walang malay si Jonson dahil nagpakamatay ito at sa pagsisiyasat ay nadiskubre ang cocaine na ginamit ng magnobyo kaya kinasuhan ito ng paglagbag sa Section 21 of RA 9165 or the Dangerous Drugs Act.

Samantala, dahil sa pagbasura ng kaso ni Ongpin, walang karapatan ang pulisya na pigilan ito na umalis ng bansa dahil mismong korte na ang nag-abswelto sa kaniya.