CAMP CRAME – MULING binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kandidato na sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ayon kay Albayalde, sa sandaling mahuli ang mga nasabing kandidato na nagbabayad ng campaign fees, sasampahan sila ng kaso partikular ang paglabag sa Republic Act 10168 o ang The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.
Sinabi ni Albayalde na batay sa kanilang reports, nasa 349 government officials ang nagbibigay ng suporta sa CPP-NPA sa pamamagitan ng extor-tion money and permit to campaign fees.
Sa nasabing bilang, 11 ang provincial governors; limang vice governors; 10 provincial board members; 55 mayors; 21 vice mayors at 41 councilors.
Kabilang din sa listahan ang nasa 126 barangay chairmen, 50 barangay councilors, at walong barangay officials.
Dagdag pa ni Albayalde, ang pagbibigay ng suporta sa komunistang grupo ay isang kataksilan o disloyalty na maaaring maparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code.
Samantala, ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, umabot na sa P195.5-milyon ang nakuhang pera ng komunistang grupo noong 2016 hanggang 2018 elections.
PNP HIRAP MAKAKUHA NG EBIDENSIYA VS POLITIKO
Hindi pa maaresto ang mga public official o mga politiko na nagbibigay ng extortion money sa CPP-NPA para manalo sa midterm election sa susunod na buwan.
Ayon kay Albayalde, ang hawak nila ngayon ay intelligence information lang.
Aminado si Albayalde na mahirap patunayan na may nangyayaring bribery o pamimigay ng extortion money sa CPP-NPA dahil madali naman daw itong pabulaanan ng isang public official o politiko.
May listahan aniya sila ng mga politiko na batay sa kanilang intelligence monitoring ay nagbibigay ng extortion money pero ipapaubaya aniya nila sa DILG ang pagsasapubliko ng pangalan ng mga ito.
Partikular na binabantayan nila ngayon ang 11 gobernador, 10 board members, 55 alkalde, 21 vice mayor, 41 konsehal at 184 na opisyal ng baran-gay. REA SARMIENTO
Comments are closed.