PNP-SAF HANDANG IDEPENSA ANG WPS

HANDA ang elite unit ng Philippine National Police (PNP) na Special Action Force (SAF) na idepensa ang teritoryo ng Pilipinas lalo na ang mga isla sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay SAF Director Maj. Gen. Bernard Banac, nakahanda ang kanyang tropa na sumabak sa “forefront” bilang bahagi ng mandato na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas sa gitna ng tensyon sa WPS.

Ang pahayag ay ginawa ni Banac sa pagbubukas ng Basic Airborne Course Cl 57-2024 at Parachute Packing Course Cl 15-2024 sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa City, Laguna nitong Linggo.

Aniya, bilang “elite” unit ng PNP mahalagang maging handa ang SAF na manguna sa anumang kaganapan na may relasyon sa kanilang tungkulin.

Kasama sa paghahanda ang SAF ng mga espesyal na kurso at pagsasanay sa mga tauhan upang mabilis na makatugon sa “emerging challenges.”

Taglay ng mga police commando ang pagiging bihasa sa Airborne Operations na magreresulta sa mabilis na pag-deploy ng mga tropa sa “hostile environment.”
EUNICE CELARIO