KASABAY ng paggunita National Heroes’ Day, itinuring din ng Philippine National Police (PNP) na bayani ang healthcare workers na kumilos para ibsan ang nararanasang hamong dulot ng COVID-19 pandemic.
Gayundin, tiniyak na nirerespeto ang karapatan ng mga healthcare worker sa planong magprotesta kaugnay sa kanilang karaingan sa pamahalaan.
“The Philippine National Police respects the right of our healthcare workers to hold a protest action to air their concerns and grievances. We in the PNP also trust their wisdom and expect their own initiative to protect themselves since the observance of the health protocols is part of their line of work,” ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.
Gayunpaman, anang PNP chief na sa pagkakaalam niya ay nagbigay na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na maglatag ng win-win solusyon para sa hinaing ng health workers at agad nang tapusin ito.
Sa panig naman ng PNP, nakaantabay lamang ang pulisya sa anomang iaatas sa kanila habang tiniyak ang kapayapaan sa bawat sulok ng bansa bilang kanilang mandato.
Nanindigan din si Eleazar na kanilang hinahangaan ang mga health worker sa mga mahihirap na tungkulin ng mga ito gayundin ang mga sakripisyo.
Bilang dating commander ng Administrative Support to COVID-19 Operatoons Task Force (ASCOTF), batid ni Eleazar ang hirap ng mga ginagampanan ng frontliners.
“We in the PNP also honor the ultimate sacrifice of healthcare workers and medical frontliners who died in the line of duty,” dagdag pa ni Eleazar. EUNICE CELARIO
98835 742797Some truly outstanding articles on this internet internet site , regards for contribution. 793122
305048 429943There is visibly a bunch to know about this. I believe you produced various very good points in functions also. 732339
927543 170823Most suitable boyfriend speeches, or else toasts. are almost always transported eventually via the entire wedding party and are nonetheless required to be very fascinating, amusing and even enlightening together. very best mans speech 847999