CAMP CRAME – DUMAAN sa tamang proseso ang pag-aresto kay Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana maayos na naisilbi ng mga opisyal at tauhan ng Makati City Police Station ang warrant of arrest laban kay Trillanes.
Ang warrant of arrest ay kaugnay sa kaso nitong rebelyon na nakahain sa Makati Regional Trial Court Branch 150 may koneksiyon sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege.
Giit ni Durana sumunod ang PNP sa lahat ng procedural actions batay sa Police Operational Procedures at utos ng korte.
Matapos makapagpyansa ng 200 libong piso ay agad na pinalaya si Trillanes. EUNICE C.