PNP-SPECIAL ACTION FORCE: TAGALIGTAS

SAF

MAKARAAN ang ma­bilis na pagbangon mula sa naging dagok sa kanilang yunit bunsod ng pagkamatay ng 44 nilang miyembro, lalo pang sumisingasing ang Philippine National Police–Special Action Force (PNP-SAF).

Nang maganap ang Mamasapano massacre o brutal na pagkamatay ng 44 police commando noong Enero 25, 2015, namulat ang lahat kung ano ang importansiya ng SAF sa hanay ng pulisya.

SAF-4Nabalot ng lungkot ang buong PNP bukod sa paghanga sa husay ng mga namatay, tila nanghinayang kung bakit naging malagim ang kanilang pagkamatay.

Lalong nadagdagan ang poot at pighati nang mapanood sa social media ang paraan ng pagkitil ng grupong kanilang nakalaban na Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF), ang kaalyado ng target noon na si Zulkipli Bin Hir alyas Marwan, ang Malaysian bomb ter­rorist.

Maraming kuwento noon, mula sa pagkasibak kay dating SAF Director Getulio Napenas at tuluyang pagbitiw ni dating PNP Chief, Alan Purisima dahil suspendido ito ay sumangkot pa sa operasyon.

FALLEN HEROES

Sa pangyayari, ba­yani ang itinaguri sa 44 SAF members na nasawi na sa halip katakutan ang kanilang nilakaran, lalo pa silang inidolo at ma­rami ang naghangad na maging pulis at maging SAF member.

MABILIS NA BUMANGON

SAF-3Kahit matinding dagok ang naganap sa mga police commando, nagpatuloy pa rin sila bilang “Tagaligtas” ng mamamayang Filipino.

Sa panahon ni dating PNP Chief, Gen. Ronald Dela Rosa na ngayon ay director ng Bureau of Correction, pinili niya ang SAF para naman maging panauhing bantay sa noo’y nakaladkad umano sa illegal trade na kulungan.

Bukod sa pagbabantay sa “Munti”, tawag sa Pambansang Kulungan, nakakatuwang din ang SAF kapag nagkakaroon ng kalamidad para sa disaster response.

Mistulang nakalimutan ang pait na dulot ng SAF 44.

PATULOY NA MAGIGING ‘TAGAPAGLIGTAS’

Noong Oktubre 9 ay may selebrasyon sa Camp Bagong Diwa, Bicutan,  Muntinlupa City.  Ito ay ang paggawad ng mga kagamitan para sa SAF.

Tampok din ang opening ceremony para sa anim na SAF Commando Course Classes na 85, 86, 87, 88, 89, 90-2018.

Mismong si PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang guest speaker at ang mga personnel ay ni-recruit ng PNP-SAF bilang pagtugon sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte alinsunod sa Presidential Directive Number 2017-0322 na may petsa na Agosto 9, 2017 na bumubuo ng dagdag na limang SAF battalions upang punuan ang kailangang puwersa para labanan ang banta sa security on terrorism and insurgency.

BAGONG KAGAMITAN PARA SA SAF COMMANDOS 

SAF-2Kaakibat ng nasabing Presidential Directive ang mga bagong kagamitan na iniharap din noong Martes na bahagi ng Capability Enhancement Program upang matiyak na makatutugon sa mis­yon ng PNP-SAF.

Iniharap naman ni Director Noli Galsim Taliňo, bilang direktor ng SAF at pinuno ng Head of the Procuring Entity (HOPE), ang mga miyembro ng PNP NHQ Bids and Awards Committee kay Albayalde ang mga bagong kagamitan kasama ang mobility assets, protective gears, firearms and accessories, ammunition, communication system, Explosive and Ordnance Disposal (EOD) at iba pang breaching tools, Search and rescue paraphernalia, General Support Equipment at iba pang special equipment.

“BY SKILL AND VIRTUE, WE TRIUMPH”

Pinayuhan naman ni Albayalde ang SAF students na harapin ang commando challenge bilang tunay na SAF trooper at laging gaba­yan ng SAF motto na “By Skill and Virtue, We Triumph”.

Comments are closed.