PNP SPOX DUMALAW SA PNP REGIONAL TRAINING CENTER SA ISABELA

Gen Bernard Banac

ISABELA – DINALAW ni Brig. Gen. Bernard Banac, spokesperson ng PNP, ang Regional Training Center 02, (RTC-2) Cauayan City na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Leo Pamittan upang paigtingin ang internal cleansing sa hanay ng pulisya sa buong bansa.

Ayon kay Banac, isa sa layunin nila na kaya nagtungo ang kanyang grupo sa RTC 02, Cauayan City, upang mas mapaigtingin sa pagsulong ng kanilang malawakang kampanya sa internal cleansing sa hanay ng kapulisan.

Ito aniya ay bahagi ng kanilang information dissemination campaign para sa mas lalo pang paigtingin at pagtibayin ang kanilang preventive aspect sa internal cleansing upang mapanatili ang disiplina sa kanilang hanay para maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pulisya, na hindi ikinakaila ng opisyal na may mga pulis pa ring nasasangkot sa ilegal na gawain.

Sa kanilang datos ay umaabot umano sa mahigit 1,400 na pulis ang mga natanggal sa serbisyo sa buong bansa.

Samantala, katuwang nila rito ang Faith Base denomination upang matulungan ang mga pulis sa values formation at spiritual development.

Sinabi pa ni Banac, ang pangalawang layunin nila sa pagtungo sa nasabing training center ay para i-motivate at hikayatin ang mga police trainee na ihanda ang kanilang sarili para sa kanilang pagtatapos upang ang kanilang mga natutunan na kabutihan sa loob ng training center ay kanilang tuparin sa sandaling sila ay nasa tungkulin na bilang isang mabu­ting pulis. IRENE GONZALES

Comments are closed.